[ultimate_spacer height=”300″][ultimate_heading main_heading=”EXTRAJUDICIAL KILLINGS SA SENTRONG REHIYON SA PANAHON NI AQUINO” main_heading_color=”#dd3333″ sub_heading_color=”#ffffff” main_heading_font_family=”font_family:Oswald|font_call:Oswald” main_heading_style=”font-weight:bold;” main_heading_font_size=”desktop:32px;” sub_heading_font_size=”desktop:22px;”]ni Roy Velez[/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”300″]
[ultimate_spacer height=”100″]

Hindi lang mga Lumad at mamamayan sa kanayunan, na malayo sa media, ang naging biktima ng mga extrajudicial killing (EJK) o mga pagpatay sa sibilyan ng mga hinihinalang elemento ng gobyerno o estado gaya ng militar, paramilitar at iba pa. Sa Metro Manila mismo, hindi bababa sa walo ang pinaslang na aktibista mula nang maupo sa pagkapangulo si Benigno Simeon Aquino III noong Hunyo 2010.

Kumon sa mga kaso ng EJK sa Metro Manila ang paglaban ng mamamayan sa mga proyektong kaunlaran (kung tawagin ng pamahalaan), gayundin sa mga PPP na isinusulong ni Aquino.

Ang centerpiece ng programang ekonomiya ni Aquino ay ang Public Private Partnership o PPP. Ang PPP ay pinabangong katawagan sa ’pribatisasyon’, terminong nabangkarote na sa buong mundo matapos mapatunayan na labag sa interes ng mamamayan. Ipinagpapalagay sa PPP na hindi epektibo ang gobyerno sa pamamahala ng mga serbisyo at proyekto para sa mamamayan (o mas epektibo ang pribadong sektor kaysa sa gobyerno) kung kaya’t ipinapasa ang mga ito sa mga negosyo, gaya ng MRT, LRT, mga expressway, palengke, pampublikong utilidad, at iba pa. Sa gayon, ginagawa itong negosyo ng mga negosyante bagamat nakikihati pa rin ang gobyerno sa pagtustos dito—pera na galing din sa mamamayan. Sa ganitong pagkakataon tunay na aplikable ang kasabihang ”ginigisa sa sariling mantika” ang mamamayan.

PPP ang isa sa pangunahing kalaban ng interes ng maralitang lungsod sa loob ng higit limang taong panunungkulan ni Aquino. Ang mga komunidad na nilunsaran ng PPP ay pinalayas ang maralita. Ang mga serbisyong ipinaloob sa PPP ay nagtaas ng presyo o sumama lalo ang kalidad ng serbisyo, sa antas na nagiging mapanganib sa buhay ng mamamayan gaya sa MRT. Higit sa lahat, at pinakamasaklap, nasaksihan sa termino ni Aquino ang pagpaslang sa mga lider-maralita na naninindigan laban sa mga PPP at sa pambubusabos ng kanilang karapatan.

[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_img_separator animation=”fadeIn” animation_duration=”3″ animation_delay=”0″ animation_iteration_count=”1″ img_separator=”10048|https://manilatoday.net/wp-content/uploads/2015/12/RIBBON.png”][ultimate_spacer height=”200″]

Antonio Homo

ANTONIO HOMO

Marso 16, 2011

Antonio Homo, campaign officer ng NASAKA, lider ng Anakpawis at malaki ang naitulong sa ginawang pangangalap ng datos sa biktima ng sunog noong mismong araw ng pagpatay sa kanya. Bahagi siya ng mga nagpoprotestang mga residenteng nasunugan sa Barangay San Roque na ayaw nang pabalikan ng lokal na pamahalaan sa kanilang komunidad. Ang erya na nasunog sa San Roque ay nakapaloob sa Community Mortgage Program (CMP) ng gobyerno, ngunit may nakaplanong bagong programang pabahay bagamat okupado na ng mga naging benepisyaryo ng CMP. Naitayo na ang nasabing housing na nakapagpatira ng mas kaunting pamilya kaysa sa dating nakatria sa lugar. Pinaslang si Homo sa Interior Dama de Noche, Kadiwa, Brgy. San Roque, Navotas City.

[ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”200″]

Marlena Sumera

marlena

March 24, 2011

Marlena Sumera, 45 taong gulang, lider ng Housing Association sa kanyang komunidad at nanindigan laban sa demolisyon sa kanilang lugar sa Maysilo, Malabon City. Siya rin ay broadcaster sa DZME at pinatay noong pasakay na siya ng jeep papuntang trabaho.

[ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”200″]

Soliman Gomez at Rommel Fortades

Hulyo 23, 2011

Soliman Gomez, 44, miyembro ng Bayan Muna at si Rommel Fortadez, 37, pawang mga residente ng Pangarap Village sa Caloocan City. Samantalang, sugatan naman sina Diosdado Cacal, Henry Abaygar at Ricardo Calison. Inaangkin ni Greggy Araneta, kamang-anak ni Mar Roxas, ang lupang sumasaklaw sa Pangarap Village at pinalalayas ang mga nakatira rito. Ang mga residente ng Pangarap Village ay higit 30 taon nang naninirahan sa lugar at nagsilbi itong relocation area at housing program sa mga retiradong empleyado ng gobyerno at ng militar noon pang panunungkulan ni Ferdinand Marcos. Magmula nang inangkin ni Araneta ang lupa, pinakawalan niya ang mga armadong security guard sa perimeter ng komunidad, lalo sa mga lagusan papasok at palabas. Tinatakot at hina-harass ng mga guwardiya ang mga residente at sinagot naman ito ng mga residente ng tuloy-tuloy na protesta. Isang umaga habang nagsasagawa ng protestang noise barrage, pinaputukan ng mga security personnel ang mga residente, kung saan namatay si Gomez at Fortadez. Hindi na ihinarap sa mga residente ang mga security guard na dinistino at nagpaputok sa mga residente noong umagang iyon.

Balak itayo sa lugar ang isang central business district at daraanan din ng MRT-7, isang PPP naman na iginawad na kay Danding Cojuangco, tiyuhin ni Aquino.

[ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”200″]

Arnel Leonor

April 29, 2012

Arnel Leonor, 19, ,19, residente ng Silverio Compound, Barangay San Isidro. Paranaque City at binaril sa kasagsagan ng demolisyon. Kasama si Arnel sa nagbarikada at pumigil sa demolisyon sa kanilang komunidad noong araw na iyon. Ang Silverio Compound ay dati nang nailagak ng lokal na pamahalaan para sa ‘expropriation’ ng lupa upang maigawad sa mga matagal nang naninirahan dito. Ngunit noong 2012, nabunyag ang planong demolisyon sa lugar at kumalat ang dokumento ng isang plano sa pagpapatayo ng high rise condominium ng SMDC, kumpanya ng negosyanteng si Henry Sy, bagay namang itinanggi ng SMDC.

[ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”200″]

Ernesto Gulfo

May 30, 2012

Ernesto Gulfo, lider ng Anakpawis at opisyales ng samahan ng mga driver, residente ng Pascual Avenue Sito 6, Catmon Malabon

[ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”200″]

Marilou Valle

July 22, 2012

Marilou Valle, lider ng Samahan sa Sito Damayan Nanambakan-Kadamay, 43 taong gulang, residente ng Sitio Damayan, Barangay 105 Tondo Manila City. Binaril si Valle sa harap ng kanyang tahanan habang kasama ang kanyang anak na si Jomar. Ayon sa kanyang anak, matagal nang may mga banta sa buhay ng kanyang ina. Nanguna si Marilou sa panawagan na pagbubukas ng tambakan sa lahat ng naninirahan sa komunidad, at hindi lamang nasa kontrol ng iilan. Ang tambakan at ang komunidad ay kontrolado diumano ng magkapatid na Ben at Raffy Tejas. Nagbanta diumano ang mga kapatid na Tejas na papatayin at uubusin ang lahat ng kasapi ng Anakpawis at Kadamay sa kanilang lugar. Kasama rin si Valle sa nanawagan ng pagkakaroon ng ‘legal’ na koneksyon ng tubig at kuryente sa kanilang komunidad.

[ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”200″]

Belinda Veloria-Santos

July 22, 2012

Benilda Veloria-Santos, 42 taong gulang, miyembro ng Anakpawis-Kaunlaran Chapter at lider ng komunidad na lumalaban sa demolisyon ng kanilang lugar sa Barangay Commonwealth, Quezon City. Nagkaroon ng pagtatalo ang mga private security guard ng dating kapitan ng komunidad na si Jose Gaviola at mga residente nito dahil nagtangka si Gaviola na bakuran ang lugar. Pinigilan ng mga residente at nagkaisang magbabantay sila sa lugar hangga’t hindi tumitigil ang grupo ni Gaviola. Kinagabihan, may lumapit na lalaking naka-jacket at binaril si Benilda. Tinangka pa itong dalhin sa ospital ngunit pinigilan ito ng mga guwardiya sa komunidad. Makalipas ang dalawang oras, noon pa lamang dumating ang mga pulis at nag-imbestiga. Madaling araw nang matapos ang mga pulis mag-imbestiga at dinala ang katawan ng biktima. Walang iniwang impormasyon kung saan dadalhin ang katawan ni Benilda. Mayo 25, 2015 na lamang natagpuan ni Charlie Santos, biyudo ni Benilda, ang katawan ng asawa at sinisingil ng mahigit 100,000 piso. Ayon sa pulis, may nakitang shabu sa katawan ni Benilda. Ngunit itinanggi ito ni Charlie at iginiit na inilagay lamang ito ng mga pulis noong iniimbestigahan nila ang katawan ni Benilda.

[ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_img_separator animation=”fadeIn” animation_duration=”3″ animation_delay=”0″ animation_iteration_count=”1″ img_separator=”10048|https://manilatoday.net/wp-content/uploads/2015/12/RIBBON.png”][ultimate_spacer height=”100″]

Mahigpit na isinusulong ng administrasyong Aquino ang globalisasyon. Nakapalaman ito sa Philippine Development Plan 2011-2016 na komprehensibong nagpapatupad ng mga patakarang liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at denasyunalisasyon sa ating ekonomiya.

Integral na bahagi ng pagsusulong ng kabuuang programa ng globalisasyon ang pagpapatupad ng programa kontra-insureksyon o pagsupil, pagkontrol at pag-apula sa anumang uri ng paglaban ng mamamayan. Ang Oplan Bayanihan ni Aquino ang lantarang lumalabag sa pampulitikang karapatan ng mamamayang Pilipino at ang nagsisilbing sandata para sapilitang maipatupad ang mga patakarang neoliberal.

Kung kaya’t maging sa sentrong rehiyon ay nararanasan ng mamamayan ang papatindi pang pampulitikang panunupil. Wala pa ring hustisyang nakakamit sa mga pinaslang sa loob ng panunungkulan ni PNoy. At wala pa ring hustisyang nakakamit ang laksa-laksang mamamayang nilalabag ang karapatan sa ngalan ng PPP, negosyo at globalisasyon.

[css_animation animation=”unfold-3d-to-top” duration=”2″]
[/css_animation]

Larawan mula sa ST EXPOSURE

[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_spacer height=”75″][ult_ihover][ult_ihover_item title=”Hinggil sa May Akda” thumb_img=”10046|https://manilatoday.net/wp-content/uploads/2015/12/rv.jpg” title_font=”font_family:Oswald|font_call:Oswald” desc_font=”font_family:Oswald|font_call:Oswald” title_responsive_font_size=”desktop:22px;” title_responsive_line_height=”desktop:28px;” desc_responsive_font_size=”desktop:12px;” desc_responsive_line_height=”desktop:18px;”]Si Roy Velez ang Chairman ng KMU-NCR at Vice Chairman ng BAYAN-NCR[/ult_ihover_item][/ult_ihover][ultimate_spacer height=”75″]