Ang Baboy sa Sining-biswal

ni Andang Juan

 

“Samantalang ikaw, mapalad na mangga,

 na kung mamunga ma’y maasim ang bunga,

 busog sa alaga at dilig tuwi na,

 pinauusukan sa hapo’t umaga…

A, sadyang sa mundo’y walang demokrasya!”

 

 Ang mangga’y pumakling payapa’t lumanay:

 “Kasi’y magkaiba tayo ng paraan–

 ako’y nagbubunga sa buo kong buhay,

ikaw’y patabain at bago magbigay,

kailangan munang lapai’t mapatay!”

 

–sinipi mula sa “Ang Baboy at ang Punong Mangga”

ni Amado V. Hernandez

 

Inilarawan ni Roberto Añonuevo sa kanyang sanaysay kung paanong naging mahalaga ang baboy sa Pilipinas–sa pang-araw-araw na pamumuhay at pangangailangan ng tao, at sa mga espesyal na okasyon at tradisyon. Nabanggit rin niya ang mga kagalingan at peligrong maaaring idulot ng baboy sa buhay at kalusugan ng tao. Higit sa lahat, tinukoy niya kung paanong ang kargadong kahulugan ng baboy ay ginamit sa panitikang Filipino. Samantala, sa maiksing sanaysay namang ito, ilalarawan ang ilang likhang-sining na nagtampok sa baboy bilang sentral na imahen.

 

Sa “One-Man Fiesta” (2007) ni Caloy Gernale, sentral na pigura ang litsong-baboy na karaniwang inihahanda sa mga piyesta at iba pang magagarbong okasyon. Kung sa mga handaan ay pinagsasaluhan ang baboy, makikitang isang tao lamang ang nakikinabang sa baboy na ito. Kabilang ang pintaning ito sa ikatlong one-man exhibition ng artist noong 2007.

 

033 one man fiesta

“One-man Fiesta” (2007) ni Caloy Gernale

 

Panahon naman ng pambansang halalan nang ilabas ni MervinPimentel ang kanyang “Unmasked” (2010), kasabay ang iba pang mga gawa sa isang group exhibition. Sa kambas na nilagari para maghugis ulo, makikita ang mukha ng baboy sa ilalim ng tila naaagnas na balat ng politiko. Kung iuugnay ito sa kontekstong pambansa noong panahong iyon, maaaring masabing kumakatawan ito sa mga tradisyonal na politikong nagkikilos-baboy, ganid at palalo, sa sandaling maupo sa puwesto.

 

mervin-pimentel
click to enlarge

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here