Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwika sa Kasalukuyan

Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino 
ng Pamantasang Ateneo de Manila 
sa Suliraning Pangwikang Umuugat 
sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013

 

800px-Blueeaglegymjf1951_01

May apatnapung taon na mula nang itatag ang Kagawaran ng Filipino kaakibat ang Patakarang Bilingguwal ng Pamantasang Ateneo De Manila, bagay na pinanghahawakan namin upang isulong ang edukasyong multilingguwal, multidisiplinaryo, at multikultural.

Sa konteksto ng mga pagbabago sa edukasyon na kinakaharap ng bayan ngayon, naninindigan ang Kagawaran ng Filipino na dapat ipagpatuloy ang puspusang pagpapayaman, pagpapayabong, paglinang, intelektuwalisasyon, at propesyonalisasyon ng Filipino alinsunod sa ating Saligang Batas (Art. XIV, Sek. 6.).

Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya.

Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal. Sinususugan nito ang Pahayag-Misyon ng Kagawaran ng Filipino na itinatakda “ang propesyonal at multidisiplinaryong pagtugon sa pangangailangan na iuwi at iugat sa sariling kultura ang pamantasan at lahat ng pinaglilingkuran nito, hindi sa pamamagitan ng pagtatakwil sa mga kaalamang hiram kundi sa integrasyon nito sa mga kaalamang sarili.”

Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskursong akademiko. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itangi ang sarili at kanilang mga interes.

Dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itangi ang sarili at kanilang mga interes.

May ilang institusyon na kinakasangkapan at binabaluktot ang diwa ng akademikong integrasyon, globalisasyon, at pangkalahatang pagbabago ng edukasyon sa malawakang pagtatanggal at sapilitang paglilipat ng mga guro at programa mula sa kolehiyo patungong Senior High School. Kailangang panagutan ng mga institusyong ito hindi lamang ang usaping pangkabuhayan ng mga guro kundi pati na rin ang integridad ng kanilang mga disiplina at kurso na pinagkadalubhasaan. Hindi lamang legal, kundi usaping moral at etikal ang pananagutang ito.

Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at kultura. Dapat angkop ang paghahandang estruktural sa makataong pagpapatupad nito. Kailangang balikan ang konstitusyunal na responsabilidad ng Estado na itaguyod ang “pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko, at intelektuwal na pagpapahayag” (Art. XIV, Sek. 14).

Kailangang balikan ang konstitusyunal na responsabilidad ng Estado na itaguyod ang “pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino…

Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at kultura. Dapat angkop ang paghahandang estruktural sa makataong pagpapatupad nito.

Bilang mga propesyonal at dalubhasang tagapagtaguyod ng wika, panitikan, at kultura, patuloy kaming naninindigan sa mga sagisag at adhikaing kinakatawan ng pamamayani ng Filipino sa pamantasan.

Hunyo 21, 2014

Loyola Heights, Quezon City

_______________________________________________

Tungkol sa isyu:

Noong Mayo 2013, pinirmahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang batas na K-12 (Enhanced Basic Education Act) na magreresulta sa karagdagang tatlong taon sa sampung taon na basic education ng mga Pilipino. Ito raw ay para makasabay sa kalidad ng edukasyon sa mga karatig na bansa. Bago mapirmahan ang batas, isang taon nang ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) ang K to 12 sa mga “pilot school” at ihinabol na lang ang batas para gawing ligal ang patakaran at maipatupad sa buong kapuluan. Kinaharap naman ng implementasyon ng K to 12 ang maraming usapin, gaya ng kakulangan ng klasrum, guro sa grades 11-12, technical expertise sa “senior high”, at iba pa. Ibang usapin pa ang pagsusuri at pag-alam sa kalidad ng edukasyong nakukuha ng mga kabataan sa bagong programang ito.

Alinsunod sa batas na ito, at sa pamamagitan ng Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, ipinataw ng CHED ang General Education Curriculum, na magtatanggal sa wika at Panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo pagdating ng Akademikong Taon.

Binatikos ng iba’t ibang paaralan ang patakarang ito dahil hindi lang pagtatanggal sa Filipino sa kurikulum ng kolehiyo ang magiging implikasyon nito, kundi pagtatanggal din ng mga guro sa Filipino na karamihan ay matagal nang panahong nagsisilbi sa paaralan. Muli ring nabuksan ang mga diskurso at usapan hinggil sa pagpapanatili at pagpapayaman ng wikang Filipino, pagpapayabong ng sariling kultura at pagmamahal sa bayan.

Mula sa sama-samang pagkilos ng mga guro sa kolehiyo, nabuo ang Tanggol Wika o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino na naglalayon na panatilihin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo, at isulong ang makabayang  edukasyon. Patuloy pa rin ang paglaban ng mga guro at pagkondena sa CHED Memo na inaasahang maisakatuparan sa S.Y. 2018-2019.

 

 

InterServer Web Hosting and VPS

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY