“Ang mga putaheng nandito ay sumisimbolo ng polisiya ni Duterte na nagpapahirap sa mga mahihirap at mga marginalized sectors. Si Duterte ay nagluluto ng isang dictatorship sa Malacañang,” ani Karapatan Secretary General Tinay Palabay.

Disyembre 9, isang araw bago ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, nagsagawa ng isang cooking demonstration ang KARAPATAN na “What’s cooking in Malacañang?” [Ano’ng niluluto sa Malacañang ?] tampok ang “Duterte’s recipes for a fascist dictatorship.”

Ang mga niluto sa cooking demonstration ay “Digong’s Dinuguan” na sumisimbolo sa pagdanak ng dugo sa administrasyon at mga anti-mamamayan na mga polisiya kagaya ng neoliberazation, war on terror at war on drugs. Dinagdagan pa umano ni Donald Trump ang madugong putahe matapos ang Association of South East Asian Nations Summit noong nakaraang Nobyembre 12 to 14, kung kailan nagbago na ang timpla ni Pangulong Rodrigo Duterte at lalong tumindi ang mga atake nito sa mamamayan.

Digong's Dinuguan - mula sa madugong human rights record ni Duterte. Larawan ni Sarah de Leon.
Digong’s Dinuguan – mula sa madugong human rights record ni Duterte. Larawan ni Sarah de Leon.’

Ang pangalawang putahe ay “Pasta Pasista.” Sa kasalukuyan ay nagluluto ng isang diktadura ang rehimeng Duterte. Nagsimula ito sa pasistang atake sa kanayunan—pamamaslang, militarisasyon, food blockade, panghuhuli, pambobomba sa mga sibilyang komunidad at iba pa. Balak na itong dalhin sa kalunsuran sa idineklara niyang “crackdown” at “mass arrest” sa mga grupo ng aktibista.

Maraming sangkap ang putaheng pasta pasista gaya ng pamamaslang, Batas Militar sa Mindanao, atbp. Larawan ni Sarah de Leon.
Maraming sangkap ang putaheng pasta pasista gaya ng pamamaslang, Batas Militar sa Mindanao, atbp. Larawan ni Sarah de Leon.

Ang pangatlong putahe ay “Papaitang Buhay.” Ihinalintulad ang putahe sa pait na nararanasan ng mamamayang Pilipino sa mga umiiral na mga polisiya ni Duterte.

Bukas, Disyembre 10, International Human Rights Day, nakatakda ang isang malaking kilos protesta para kundenahin ang lumalalang paglabag sa karapatang pantao at nagbabadyang diktaduryang paghahari ng administrasyong Duterte. Magsisimula ang protesta sa Bonifacio Shrine sa Maynila at tutungo sa Mendiola para sunugin ang isa na namang effigy ni Duterte.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here