Bumalik ang demolition team, Agosto 31, kasama si Sheriff Gerard Ocampo sa Barangay Paltok, Quezon City upang i-demolish ang mga kabahayan na nakatayo sa lupang nabili na ng isang nagngangalang Allan Sy Anggala. Halos 100 pamilya na ang nawalan ng tahanan. Tinatantya ng mga residente na nasa 50 bahay pa ang gigibain.

August 29 pa nagsisimula ang panggigiba ng mga bahay sa pangunguna ng sheriff. Biglaan ang isinagawang demolisyon noon. Binigyan lamang ang mga apektadong residente ng isa’t kalahating oras upang makapag-ayos ng mga gamit. Nagbarikada na ang mga residente sa pangalawang araw ng demolisyon, Agosto 30.

Sa kabila ng pabalik-balik na ulan, nagpupumilit pa ring butasin ng demolition team ang human barricade ng mga residente.

Nagsagawa ng human barricade ang mga residente para pigilan ang demolisyon. Larawan ni Erika Cruz.
Nagsagawa ng human barricade ang mga residente para pigilan ang demolisyon. Kuha ni Erika Cruz.

Mula pa noong 1959 naninirahan ang tatlo sa mga pamilyang mapapalayas sa komunidad – ang mga Jacoba, Arrieta, at Fontanilla.

Sa halip na i-demolish matapos ang halos 60 taong paninirahan at pagpapaunlad sa komunidad, ninanais sana ng mga residente na tugunan ng lokal at pambansang pamahalaan ang kanilang usapin sa pabahay upang magkaroon sila ng katiyakan sa paninirahan.

Ayon sa mga residente, ang orihinal na nagmay-ari ng lupa ay isang nagngangalang Carmen Villongco. Noong nag-migrate sa Estados Unidos si Villongco, ipinamana umano ang lupa kay Araceli Adeva. Kay Adeva nagbabayad ang nabanggit na mga naunang pamilya ng renta. Nabili naman daw ni Esperanza de Villa mula kay Adeva ang lupa.

Taong 2013 nang kinasuhan ang mga residente ng ejectment. Natalo sila sa kaso. Magkakaroon pa ng hearing sa Setyembre 8.

Aabot sa 150 bahay ang maggigiba sa demolisyon. Larawan ni Erika Cruz.
Aabot sa 150 bahay ang maggigiba sa demolisyon. Kuha ni Erika Cruz.

 

InterServer Web Hosting and VPS

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY