Nakalaya sa bisa ng piyansa ang 41 hinuli at dinetine sa dispersal sa pagbabarikada laban sa demolisyon sa East Bank Road sa Manggahan Floodway sa Pasig City. Isang linggong nakadetine ang mga hinuli bago kinasuhan ng illegal assembly at direct assault.

Naunang naibalik sa kustodiya ng kanilang mga magulang ang mga batang 12 at 13 taong gulang, pero inabot sila ng walong araw sa Bahay Aruga ng Pasig Social Welfare Office bago nabalik sa magulang, taliwas sa Revised Rule on Children in Conflict with the Law. Nakalabas noong Biyernes, Setyembre 8, ang walo pang menor de edad na may kasunduan sa ‘diversion program’ para sa kanila, ayon din sa nasabing tuntunin.

floodway2-copy
Masayang sinalubong ng mga residente si Joel Tenerife, na nadetine ng mas matagal ng isang araw sa 30 pang nakasamang madetine. Kuha ni Danielle Recto.

Noong Setyembre 8, nakapagpiyansa at nakalaya rin ang 30 nakadetine sa Pasig Police Station sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga residente ng Floodway at mga tagasuporta mula sa hanay ng simbahan, propesyunal at gobyerno.

Ang isang naiwang nadetine, si Joel Tenerife, ay nakalaya noong Sabado, Setyembre 9. Patong-patong ang kasong isinampa sa kanya at itinuro siya ng mga pulis na lider ng mga residenteng tutol sa demolisyon. Umabot sa P20,000 ang piyansa para sa kanyang paglaya habang dinidinig ang kaso. Hinuli ang buong pamilya ni Joel Tenerife sa kanilang bahay, kasabay ang dispersal sa Floodway. Nadetine siya, ang kanyang asawa at apat na anak (dalawa ay menor de edad).

Nagkakaisa namang patuloy na ipaglalaban ng mga residente ng Floodway ang pag-award sa kanila ng lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan sa loob ng 40 taon.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY