Si Guiller Martin Cadano ay namartir noong ika-20 ng Setyembre ngayong taon. Siya ay napaslang, kasama ang walo pang kasapi ng New People’s Army, sa Barangay Burgos sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija.

Nakapagtapos si Guiller ng kursong Psychology sa UP Diliman Extension Program sa Clark, Pampanga (UP Clark). Sa kabila nito, kaniyang tinalikuran ang maalwang buhay at piniling makipamuhay sa hanay ng uring magsasaka sa Nueva Ecija. Taong 2014 nang iligal na inaresto ng mga elemento ng 3rd Infantry Battalion si Guiller kasama ang kapwa organisador na si Gerald Salonga, mula rin sa UP Clark. Kinasuhan sila ng gawa-gawang kasong illegal possession of firearms. 

Napiit ng dalawang taon at apat na buwan sa kulungan ang dalawa, at naging matunog ang kampanya para sa kanilang pagpapalaya. Noong ika-1 ng Disyembre, 2016, na-dismiss ang kaso.

Pagkalaya ni Guiller ay nagpasya siyang sumapi sa New People’s Army, upang maglingkod sa hanay sa maralitang magsasaka ng Nueva Ecija.

Sa darating na ika-5 ng Oktubre, magkakaroon ng Fact Finding Mission upang imbestagahin ang sirkumstansya ng pagkamatay ng siyam sa Barangay Burgos, Carranglan, Nueva Ecija.

p6130417

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here