Hinggil sa Pagbisita ni Duterte sa Camp Bagong Diwa at sa Okasyon ng National Correctional Consciousness Week

Pahayag ng mga bilanggong pulitikal

0
656
[ultimate_spacer height=”500″]
[ultimate_spacer height=”80″]

Kamakailan ay binisita ni Duterte ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa. Sa kanyang talumpati sa mga upisyal at empleyado ay nangako siya sa kanila ng pagtaas ng sahod at iba pang benepisyo. Ang pagkakaroon ng national minimum wage at general wage increase kapwa ng mga karaniwang manggagawa sa gobyerno at mga manggagawa sa pribado ay ipinaglalaban namin. Katulad din ng iba pang mga karaniwang nagtatrabaho sa gobyerno ay pinahihirapan ang mga karaniwang empleyado ng BJMP ng di-nakabubuhay-na-sahod, sumisirit na presyo ng bilihin at serbisyo, mabigat na pasaning buwis at kapabayaan sa mga serbisyong panlipunan. Ang hindi napaksa ni Duterte ay ang kalagayan ng mga bilanggo at lumulubhang kalagayan sa mga bilangguan.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”20″]

Sa pinag-isang pahayag ng 39 na bansa kamakailan ay malakas na nagsahapag ng pag-aalala at mga rekomendasyon kaugnay sa ulat ng Pilipinas sa United Nations (UN) hinggil sa karapatang pantao. Ilan sa mga usapin at pagtutol na inilatag sa rekord ng bansa ang tortyur, pag-apaw ng mga bilangguan, parusang pisikal, at pagtutol na isabatas ang bitay. Nakasaad ang ilang  sumusunod na rekomendasyon: (1) magsagawa ng mga hakbang para tupdin ang Standard Minimum Rules on Treatment of Prisoners (SMRTP) na tinatawag ding Nelson Mandela Rules; (2) pahusayin ang mga pasilidad na bilangguan at lutasin ang pagsisiksikan ng mga bilanggo sa mga kulungan; (3) magpatupad ng mga hakbang para tiyakin ang independiyenteng hudikatura; (4) tiyaking kaagad na nadadala sa korte ang mga pre-trial detainees at pabilisin ang paglilitis ng mga nabilanggo sa kaso ng droga; (5) imbestigahan at parusahan ang mga sangkot sa tortyur atbp porma ng kalupitan; (5) repormahin ang criminal justice system at tiyakin ang mabilis at patas na paglilitis ng lahat ng akusado.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”20″]

Walang ibang naisagot ang gobyerno sa mga rekomendasyong ito kundi hungkag na “ang pagsisiksikan sa bilangguan ay hinaharap namin sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan at ng programang paralegal” gayundin ang gasgas na sagot na “iginagalang sa bansa ang karapatang pantao” at “nakalatag at gumagana nang maayos ang mga mekanismo at institusyon para makatupad sa mga internasyunal na kasunduan”. Nararapat na magpahayag kami ng aming paninindigan kaugnay ng mga isyu naming mga bilanggo sa pagpapatupad ng Pilipinas sa MRTP at ganoon din sa okasyon ng “National Correctional Consciousness Week (Nacocow)” sa Oktubre na sasaklaw sa mga bilangguan ng BJMP.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”20″]

Ang matagal nang masamang kalagayan sa mga bilangguan, di-pagsunod sa SMRTP at paglabag sa karapatan ng mga bilanggo ay sumasahol sa ilalim ng gobyernong Duterte. Ayon sa UN at SMRTP, maliban sa nga limitasyong naitakda dahil sa pagkakulong, ang lahat   ay napananatili ang mga karapatan at saligang kalayaang nailatag sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR), gayundin sa International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR), ang Internation Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) at ang Optional Protocol on Convention Against Torture and other Inhuman and Degrading Treatment at iba pang kasunduang nilagdaan din ng Pilipinas. Nagsabatas din ang Pilipians ng RA No. 7438 o Certain Rights of Persons Arrested, Detained and Under Custodial Investigation at RA No. 9745 o Anti-Torture Act of 2009 para ipatupad ang mga internasyunal na kasunduaang nabanggit. Ngunit ang mga karapatang ito ay pormal lang na kinikilala at karaniwang hindi ipinatutupad o nilalapastangan pa nga sa tunay na buhay. Kaya dapat na alamin ang mga ito at igiit ng mga bilanggo.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”70″][ultimate_heading main_heading_font_family=”font_family:Alegreya Sans SC|font_call:Alegreya+Sans+SC” main_heading_style=”font-weight:bold;” margin_design_tab_text=””]

Ang labis na pagsisiksikan ng mga bilangguan at korte na pinalalala ng giyera kontra-droga

[/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”70″]

[ultimate_spacer height=”80″]

Bago pa ng administrasyong Duterte ay ikatlo na sa pinakasiksik sa buong mundo ang sistema ng bilangguan sa Pilipinas (nasa unahan ang Haiti at El Salvador) ayon sa Institute for Criminal Policy Research sa London. Ayon sa datos ng BJMP nitong Hunyo 2017, isang taon matapos manungkulan si Duterte, ay mayroon nang 137,417 bilanggong undertrials at convicted sa buong bansa na 22% paglaki mula Hunyo 2016, na malaki na kaysa sa naitalang 12% pagdami sa nakaraan kada taon.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”20″]

Makikita rin ito sa dating abereyds na tatlong ulit na occupancy rate (tatlong inmates sa isang metro kwadrado) ng mga bilangguan samantalang mayroong limang ulit o mas malala pa nga sa ilang kulungan. Sa Reception Diagnostic Center (RDC) sa Camp Sampaguita sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, ang lahat ng nasisintensiyahan ay dumadaan muna dito ng ilang panahon at ang mga selda na dapat maglaman lang ng  30 katao ay nilalagyan ng 90 hanggang 100 katao. Matapos ang isang linggo ay maililipat sa “brigada” na ganoon din ang pagsisiksikan. Kung kayang magbayad ay makakakuha ng “tarima” o “kubol” pero kung hindi kaya ay sa sahig na semento matutulog. Ang pamantayan ng UN ay isa bilanggo kada tatlo metro kwadrado. Sa maraming kulungan ay lubhang kulang ang mga higaan at naoobligang matulog ang mga bilanggo sa sahig nang nakatihaya o nakaupo na madalas pa ay salitan ang pagtulog. Gayundin ang kakulangan sa mga palikuran.  Ang kasikipan ng mga bilangguan ay nagdudulot ng paglaganap ng mga sakit at pagkamatay ng paparaming inmates (may ulat na limang namamatay kada buwan).

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”20″]

Sadyang lolobo ang bilang ng mga bilanggo at mga biktima ng extrajudicial killing (EJK). Isang dahilan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002 na nagtuturing sa pagbebenta ng maliit man o malaking halaga ng droga bilang non-bailable na krimen at ang pag-aari ng droga na bailable nga pero sa malaking halaga na P200 libong piyansa na hindi kakayaning bayaran ng mahihirap. Sumirit ang bilang ng mga nabibiktima ng EJK at maramihang pag-aresto dahil sa giyerang kontra-droga ng gobyernong Duterte. Naibunyag sa midya na nagpatupad ang kapulisan ng mga kota na may reward. Ang saligang depekto ng mga ito ay ang kabiguang tumbukin ang mga sosyo-ekonomikong ugat ng problema sa droga at maramihang pagkukulong at estilong-tokhang na pagpatay ang ginagamit na solusyon. Panay mababang antas na pushers at users ang nabibiktima samantalang ligtas ang mga gubernador at heneral na sangkot sa droga laluna iyong mga kaibigan ng administrasyon.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”20″]

Umaapaw din sa dami ng kasong droga ang mga korte. Ayon sa datos ng Reuters noong 2017, may 303,534 kasong droga ang nililitis o prinoproseso nitong Hunyo 2017 kabilang ang backlogs. Ang backlog ng Public Attorney’s Office (PAO) ay 303,000 kasong droga mula sa 83,000 noong Hunyo 2016. Mayroon lamang isang abogadong PAO kada 426 kaso. Karaniwan ay nagsisimula ang mga paglilitis ilang taon pa pagkaaresto. Tumatagal ng dalawa hanggang tatlong taon ang paglilitis sa mga regional trial court at tatlong taon pa sa pag-apela. Ang karaniwang tagal ng pagkakulong sa mga kasong may piyansa ay isang taon samantalang tatlong taon at kalahati o higit pa sa walang piyansa. Isa sa bawat lima ang nahuhusgahang maysala samantalang ang iba ay natuklasang inosente o nagdusa na ng ilang taon tulad ng maysala.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”70″][ultimate_heading main_heading_font_family=”font_family:Alegreya Sans SC|font_call:Alegreya+Sans+SC” main_heading_style=”font-weight:bold;” margin_design_tab_text=””]

Mababa sa pamantayang pagkain sa bilangguan atbp. problema

[/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”70″]

[ultimate_spacer height=”80″]

Nakasulat ang “karapatan sa pagkain” sa mga nakasulat na gabay ng BJMP at Bureau of Corrections (BuCor). Ang BuCor Act of 2013 o RA No 10575 naman ay nagtatakda na ang “pangangalaga ng nga bilanggo ay kabibilangan ng disenteng prubisyon sa tirahan, pagkain, tubig, at damit  alinsunod sa mga establisadong pamantayan ng UN”. Ayon sa SMRTP ng UN, kailangan ang “sapat na pagkain sa mga bilanggo para panatilihin ang kanilang kalusugan at lakas, dapat na masustansiya ang kalidad ng pagkain, at angkop na inihanda at inihain”.  Sa isang pagsisiyasat na HUNGERPROJECT na nagsuri sa sistema ng pagkain ng mga bilanggo at isiniwalat ni Jodesz Gavilan noong April 16, 2015, ipinaalala doon na nagsasabi ang SMRTP ng UN na “kapag hindi nabigyan ng pagkain ang nga bilanggo na dapat para mamantini nila ang kalusugan at lakas at dapat na masustansiya at angkop na inihanda at inihain, ito ay maituturing nang tortyur o pakikitungong di-makatao at nakakababa-ng-dignidad”.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”20″]

Sa aktwal, ang inilalaang badyet kapwa ng BJMP at BuCor para sa pagkain ay P50 kada araw sa bawat inmate. Nagdadagdag dito ng badyet ang mga lokal na gobyerno sa mga syudad. Ang Special Intensive Care Area (SICA) ay walang dagdag sa P50 badyet bawat bilanggo. Sa kabilang banda, minimum na P87.80 kada araw bawat tao ang kailangang badyet (kinabibilangan ng isang tasa ng kanin, isang tasa ng gulay, isang tasa ng prutas at isang piraso ng karne o katumbas, kada meal bawat tao  ayon sa Food and Nutrition Research Institute o FNRI).

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”20″]

Ang National Food Service Council ang naghahanda ng lingguhang menu at nakapaskel ito sa mga office bulletin board. Pero ayon sa pagbubunyag sa diaryong Philippine Star ng kolumnistang si Jarius Bondoc, 80-90% ng mga menu ay hindi naipapatupad. Ayon sa kanya, hindi kailanman natikman ng mga detainees ang karamihan sa nakalistang menu. Nasubaybayan at naitala ng mga political detainees ng SICA 1 ang menu at ang nga ibinibigay na “rancho” bawat meal at araw sa loob ng tatlong taon. Sa pagsisiyasat noong 2005 ng Hurights Osaka sa ilang mga bilangguan sa bansa, inihahambing ng mga bilanggo ang ibinibigay na pagkain sa kanila na nagmumukhang pakain sa hayop (kaya naging katawagang rancho ang mga bigay na pagkain). May dagdag na suliranin sa inuming tubig ang mga bilanggo sa Muntinlupa dahil madumi at hindi sapat na pakuluan lang. Samantala ay masustansiya at masasarap na pagkain ang mga ibinibigay sa mga bilanggong VIP tulad ni Janet Napoles. Umiiral ang sitwasyong ito hanggang ngayon.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”20″]

Problema din ng mga bilanggo ang labis na higpit sa pagdalaw sa kanila laluna sa National Bilibid Prison (NBP) na may strip search at napakaiksi ng oras ng dalaw; ang solitary confinenent; ang limitadong prubisyon sa sunning at ehersisyo; at ang pagganti ng mga awtoridad kapag nagreklamo ang mga bilanggo. Lahat ito ay lumalabag sa SMRTP at mga karapatan ng mga bilanggo. Ang mga ito ay bunga ng mapamarusa, mapaghiganti at mapanupil (punishment, retribution o deterrence) na oryentasyon ng prison system ng bansa na katulad sa US. Bumabangga ito sa SMRTP at napatunayan nang bigo dahil sa pagbabalikbalik sa kulungan ng mga nabilanggo at pagsahol ng pagsisiksikan sa mga bilangguan.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”70″][ultimate_heading main_heading_font_family=”font_family:Alegreya Sans SC|font_call:Alegreya+Sans+SC” main_heading_style=”font-weight:bold;” margin_design_tab_text=””]

Mas malalang kalagayan ng mga bilanggong pulitikal

[/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”70″]

[ultimate_spacer height=”80″]

Ang mga bilanggong pulitikal sa bansa ay nasasadlak sa papasamang kalagayan ng mga bilangguan at ipinagtatanggol nila ang mga karapatan ukol dito. Maliban pa sa mga karapatan nila sa SMRTP na nalalabag, itinuturing na kriminal ang kanilang pampulitikang pagkilos para baguhin ang lipunan at kamtin ang isang lipunang malaya, progresibo at demokratiko.  Sinasampahan sila ng mga gawagawang kasong kriminal na walang piyansa. Tinotortyur sila pagkahuli. Sila ay dumarami at target sila ng kasalukuyang OPLAN KAPAYAPAAN at mga nauna pang “anti-teroristang” programa at batas ng gobyerno. Sa loob ng bilangguan ay itinuturing silang “high risk” at sinisikil ang kanilang mga karapatan.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”20″]

Ang mga kababayang Moro sa loob ng kulungan ay hindi lang pinapasan ang mga paglabag sa kanilang karapatan bilang bilanggo kundi dagdag na pinahihirapan ng Islamophobia. Lalong dadami ang mga bilanggong pulitikal na Moro dahil sa matagal na pagkukulong, martial law sa Mindanao, at giyera sa Marawi at buong Mindanao para supilin ang kanilang pagtutol sa BangsaMoro Basic Law, pagdepensa sa ancestral domain at pagkilos para sa pagpapasya-sa-sarili. Binibiktima sila ng masamang kalagayan sa kulungan at ng sistema ng hustisya.

[ultimate_spacer height=”20″]
[ultimate_spacer height=”70″][ultimate_heading main_heading_font_family=”font_family:Alegreya Sans SC|font_call:Alegreya+Sans+SC” main_heading_style=”font-weight:bold;” margin_design_tab_text=””]

Ang ating mga panawagan

[/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”70″]

[ultimate_spacer height=”80″]
  1. Ipatupad ang SMRTP atbp Kasunduan ng United Nations, RA No. 7438 o Certain Rights of Persons Arrested, Detained and Under Custodial Investigation at RA No. 9745 o Anti-Torture Act of 2009 ng Pilipinas kaugnay sa mga karapatan ng nga bilanggo. May mga kagyat at tampok na demanda sa di-sapat at di-masustansiyang pagkain, labis na paghihigpit at limitadong dalaw, solitary confinement at pagganti sa kanilang mga reklamo.
  2. Itigil ang giyera kontra-droga, Oplan Kapayapaan, giyera kontra-Moro at Martial Law sa Mindanao.
  1. Kaagad na palayain ang mga matatanda, maysakit, kababaihan, menor de edad at long-detained.
  2. Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal sa pamamagitan ng general at unconditional amnesty.
[ultimate_spacer height=”20″]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here