Sa pagdiriwang ng World Teachers Day sa araw ng Oktubre 5, nakapanayam ng Manila Today si Rep. France Castro ng ACT Teachers Partylist hinggil sa kalagayan ng mga guro sa Pilipinas.

Ano ang kasalukuyang kalagayan o pangunahing isyu ng mga guro sa pampublikong edukasyon?

Nananatiling hindi nakasasapat ang sweldo ng mga guro. Sa kasalukuyan, Php 19,620 ang gross monthly income na kung ibabawas ang mga mandatory deduction like GSIS, Tax, Pag-ibig, Philhealth at iba pang deduction sa mga utang di bababa sa Php 4,000 ang monthly take home pay.  Kaya’t napipilitan ding magsanla ng ATM ang mga guro para makapangutang sa mga loan sharks upang matugunan and mga batayang pangangailangan.May mga gurong nakakasuhan dahil sa di pagbabayad ng utang dahil sa laki ng interes sa utang. Karamihan sa mga guro ay may sideline gaya ng pagmomoonlighting (pagtuturo sa pribadong paaralan), pagtututor, pagbebenta ng mga load from telcos, pagbebenta ng mga goods, insurance atbp.

Kaugnay naman ng iba pang benepisyo, bukod sa sweldo may

  1. Php 2,000/mo  – Personal Eco. Relief Assistance (PERA)
  2. Mid-year bonus = one monthe salary
  3. End-year bonus = one month salary
  4. Performance -based bonus= 50%-65% of salary/year
  5. Php 2,500/year – Chalk Allowance
  6. Php 5,000/year-uniform/clothing allowance

Sa kalagayan sa trabaho, karamihan sa mga school ay kulang-kulang /walang libro, silya, rooms at mga school materials na ginagamit sa pagtuturo. Mahigit sa 50 studyante sa bawat classrooms maliban sa kindergarten. Mahirapdin access sa internet. Maraming gawaing mga pahirap sa mga guro gaya ng daily lesson log, LIS, at mga clerical work bunga nga ng pagbabawas ng office personnel gaya ng clerk. Minsan nagiging gwardya, driver at janitor ang mga guro.

May mga gawain din paminsan-minsan na pinagagawa ng ibang ahensya gaya ng DSWD (monitoring ng benificiaries ng 4Ps), health worker (nag-aadminister ng gamut kontra bulate), eleksyon, census, atbp.

Pinagkakaitan pa minsan ng demeokratikong karapatan gaya ng right to self-organization, bawal magmeeting, at hindi pagpopondo sa Collective Negotiation Agreement (CNA) incentives.

Gayundi, hindi naman naipapatupad ng RA 4670 o ang Magna Carta for Public School Teachers.

Ano ang mga usapin ng mga guro na kagyat na dapat matugunan?

Ang mga dapat unahing tugunan na usapin ng mga guro ay ang sahod at mga benepisyong dapat na ibigay, kalagayan sa paggawa at ang mga karapatan at benepisyo na nakasaad sa RA 4670 (Magna Carta for Public School Teachers).

Ano ang kahulugan o kabuluhan ng Teacher’s Day para sa isang guro?

Signipikante ang October 5 sa mga guro dahil noong 1994 idineklara ang ILO-UNESCO ang araw na ito bilang World Teachers” day. Ito ring araw na ito noong 1966, pinirmahan ng mga representante ng iba’t ibang mga bansa ang isang dokumento na naglalaman ng mga karapatan, dapat na suweldo at professional growth para sa mga guro. Ito ay tinawag na “Status of the Teaching Profession”.

Magiging makahulugan at makabuluhan lamang ang Araw ng mga Guro kung igagalang ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Status of the Teaching Profession at RA 4670.

Ano ang mga ipinagdiriwang o dapat ipagdiwang ng mga guro ngayong Teacher’s Day?

Nagdiriwang ang mga guro dahil dito sa Pilipinas, isinabatas ang National Teachers Day. Pero sa kabilang banda, nagpoprotesta rin dahil di pa natutugunan ang kanilang mga kahilingan.

Ano ang mensahe sa mga kapwa guro ngayong araw ng mga guro?

Sa mga kapwa guro, Happy Teachers Day. Sama-sama nating itaguyod at kilusan ang ating mga batayang kahilingan at suportahan ang HB56 na naglalayong itaas ang sweldo ng mga guro sa Php25,000. Sana maging instrumento ang mga guro sa transformation ng ating mga kabataan upang maging mamamayang may kritikal na pag-iisip, maging makabayan at ang mga natutunan ay magamit sa paglilingkod sa bayan at kapwa Filipino.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY