Sa ilalim ng matinding init, tatlong krus ang pasan ng mga manggagawa’t maralita na sumisimbulo ng dahilan ng kahirapan ng mamamayang Pilipino. Ang taunang ‘Kalbaryo ng Mamamayan’ na pinangunahan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap-National Capital Region (KADAMAY-NCR) ay pagsasadula kalbaryong kinakaharap ng mamamayan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Metro Manila, ang ‘Kalbaryo ng Mamamayan’ ngayon ay paniningil kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pangakong pagbabago.

Kabilang umano sa patuloy na nagpapahirap sa mamamayan ay ang kontraktwalisasyon, mababang sahod,  ekstrahudisyal na pamamaslang, militarisasyon sa mga komunidad, at hindi sapat na panlipunang serbisyo.

Hinihikayat nila si Duterte na tanggalin ang bigat na pasanin ng mamamayan sa pamamagitan ng paglutas sa ugat ng kahirapan, di pagkakapantay-pantay at inhustisya sa bansa.

Dagdag pa ng BAYAN Metro Manila, dahil panahon ng Kuwaresma ay dapat magnilay si Pangulong Duterte at gamitin ang panahon na ito para muling pag-isipan ang mga kontra-maralitang programa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

20170410-kalbaryo-3
Ayon sa KADAMAY-NCR, isa sa mga nagpapahirap sa mga maralita ay ang pamamaslang sa mga hinihinalang tulak o gumagamit ng droga na hindi dinadaan sa tamang proseso ng batas. (Manila Today/Chantal Eco)
20170410-kalbaryo-5
Lumahok ang mga Lumad mula sa Mindanao na ngayon ay nasa Kamaynilaan. Ang mga komunidad nila ay tuluy-tuloy na binobomba kaugnay ng pakikipagdigma ng armadong pwersa ng gobyerno sa mga miyembro ng New People’s Army. (Manila Today/Erika Cruz)
20170410-kalbaryo-6
Panawagan ng KADAMAY na palayain ang 41 na maralitang muling nagtayo ng kanilang mga tahanan sa Apollo, Tandang Sora sa Quezon City. (Manila Today/Erika Cruz)
Mula sa lungsod ng Taguig, kinakaharap ng mga maralita ang demolisyon ng kanilang mga tahanan dahil sa pagpapalayas ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), isang ahensya ng gobyerno. (Manila Today/Chantal Eco)
Mula sa lungsod ng Taguig, kinakaharap ng mga maralita ang demolisyon ng kanilang mga tahanan dahil sa pagpapalayas ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), isang ahensya ng gobyerno. (Manila Today/Chantal Eco)
Tatlong krus ang pasan ng mga manggagawa't maralita na sumisimbolo sa Imperyalismo, Pyudalismo, at Burukrata Kapitalismo na umano'y ugat ng paghihirap ng mamamayang Pilipino. (Manila Today/Erika Cruz)
Tatlong krus ang pasan ng mga manggagawa’t maralita na sumisimbolo sa Imperyalismo, Pyudalismo, at Burukrata Kapitalismo na umano’y ugat ng paghihirap ng mamamayang Pilipino. (Manila Today/Erika Cruz)
20170410-kalbaryo-10
Bilang pangunahing representate ng US, si Pangulong Donald Trump ng US ang humahampas sa manggagawang pasan ang krus na sumisimbolo sa imperyalismo. Sa likod ay si Pangulong Rodrigo Duterte bilang si Poncio Pilato na hugas-kamay sa dinadanas ng maralita. (Manila Today/Chantal Eco)
Si Hen. Eduardo Año ng AFP naman ang humahampas sa isang maralita bilang simbolo ng pangunguna nito sa Oplan Kapayapaan na kontra-insurhensiyang kampanya ng gobyerno na umano'y bumibiktima sa mga sibilyan. (Manila Today/Chantal Eco)
Si Hen. Eduardo Año ng AFP naman ang humahampas sa isang maralita bilang simbolo ng pangunguna nito sa Oplan Kapayapaan na kontra-insurhensiyang kampanya ng gobyerno na umano’y bumibiktima sa mga sibilyan. (Manila Today/Chantal Eco)
Kasama sa martsa ng 'Kalbaryo ng Maralita' ngayong taon ay ang mga Lumad mula sa Mindanao. (Manila Today/Erika Cruz)
Kasama sa martsa ng ‘Kalbaryo ng Maralita’ ngayong taon ay ang mga Lumad mula sa Mindanao. (Manila Today/Erika Cruz)
20170410-kalbaryo-13
Kabilang umano ang pagtapos sa ‘Endo’ o kontraktwalisasyon ang pangako sa mga manggagawang napako. (Manila Today/Erika Cruz)
20170410-kalbaryo-14
(Manila Today/Erika Cruz)
(Manila Today/Chantal Eco)
(Manila Today/Chantal Eco)
(Manila Today/Chantal Eco)
(Manila Today/Chantal Eco)
20170410-kalbaryo-1
(Manila Today/Erika Cruz)

Naglunsad din ng mga lokal na ‘Kalbaryo ng Maralita’ sa iba’t ibang lungsod ng Kamaynilaan.

dscf7607
‘Kalbaryo ng Maralita’ sa Caloocan City noong Abril 9, 2017. (Manila Today/Erika Cruz)
dscf7603
‘Kalbaryo ng Maralita’ sa Caloocan City noong Abril 9, 2017. (Manila Today/Erika Cruz)
dscf7633
‘Kalbaryo ng Maralita’ sa Caloocan City noong Abril 9, 2017. (Manila Today/Erika Cruz)
dscf7692
‘Kalbaryo ng Maralita’ sa Caloocan City noong Abril 9, 2017. (Manila Today/Erika Cruz)
dscf7702
‘Kalbaryo ng Maralita’ sa Caloocan City noong Abril 9, 2017. (Manila Today/Erika Cruz)
InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY