Kung mawalan ng tahanan

0
956
[ultimate_spacer height=”100″]

Na-demolish ang bahay ng higit 700 pamilya sa East Bank Manggahan Floodway sa Barangay Sta. Lucia, Pasig City sa mga araw ng Oktubre 17 at 18.

Sa pahayag at press conference ng lokal na pamahalaan, pinaninindigan nitong naaayon sa mga batas ang demolisyon, matapos na bawiin ng dating pangulong Gloria Arroyo ang pag-award sa lupa sa mga residente at idineklarang danger zone ang lugar. Bago nito, hindi na nagpahayag o nakipagdayalogo ang lokal na pamahalaan sa mga residente.

Napilitang magpalipas ng gabi sa daan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan mula sa Purok 4 at 5 sa unang araw ng demolisyon. Pinatay rin ang kuryente sa komunidad kung kaya’t siga at kandila ang kanilang nagsilbing ilaw.

Nag-alok ng mga tent na sisilungan ang lokal na pamahalaan at evacuation center sa mga basketball court sa ibang barangay para lamang sa tatlong araw.

Sa ikalawang araw ng demolisyon, giniba ang mga natitirang kabahayan sa komunidad.

Aabot na sa apat na dekadang nakatira ang mga residente sa komunidad bago ang isinagawang demolisyon. Karamihan sa kanila ay walang nakuhang relokasyon. Hindi naman tumanggap ng financial assistance ang marami sa kagustuhang igiit ang paninirahan at isulong ang pag-award ng lupain sa mga residente.

[ultimate_spacer height=”100″]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here