Kutob 3
ni Francis Villabroza

 

“Oi punk! pwd b tau usap mya? Pa2long km sa lit section ng publication para rakenrol! Daan me jn mya” ang text ko kay Leo bago matapos ang lunchbreak ko.

Patapos na ang shift ko at muli, chineck ko ang cellphone.

Hindi pa siya sumasagot, okay lang, nagsasabi naman yun kung wala sila sa tambayan sa school. Pagpatak na pagpatak ng alas singko, lumabas agad ako ng opisina. Sa kakamadali, muntik ko pang makalimutan mag timeout sa biometrics. Palabas palang ng gate papuntang hi-way, tinext ko na agad si Mario, ang kasama kong kakausap kay Leo and friends, isa siya sa kasama ko sa proyekto.

Text ko kay Mario “2loi tau, on d way nko, kita tau sa may court at simbahan.”

Sumagot naman agad ito ng “k.”

Mula sa katamtamang bilis ng jeep na may cycle ng andar-para-stoplight-tigil-andar muli; pagdating ng Tomas Morato ave. biglang naging usad pagong ang biyahe, hanggang humantong sa isang grinding halt. Maya’t maya na akong sumisilip sa relo, 20-minutos na akong na-stuck sa traffic. Para namang nagcha-chacha ang kaliwa’t kanang hinlalaki sa ka-katext sa smartphone ng kasabay kong babaeng naka leggings at maluwag na shirt na may print ng mukha ni Delo ng Flip Top Battles. Mala-Solenn Heusaff ang dating ng kasabay ko, kumukunot pa ang noo kung minsan habang nagtetext, paminsan-minsan hinahawi ang bangs para isabit ang bulawang buhok sa tenga.

Nagtext na si Mario “d2 nko court, san kna? ”

“Sensya bro, traffc. wla pa nga ko sa cubao.” Shit banggaan ata. “Siguro 30 mins jn nko, tambay ka muna, dami jan nagtitinda fishball.”

Binulsa ko na ang cellphone. Wala naman palang banggaan, pinadaan lang muna ang convoy ng palasyo. May ‘wang-wang(mentality)’ parin, naka-silent mode lang. Ilang minuto pa nakalusot din, sa wakas, ang bulong ko sa sarili.

Pagkalampas ng jeep sa SM Centerpoint, tinext ko uli si Mokong “Lapit nko, 5 mins, SM na.”

Sumagot naman agad ito ng “oks d2 na me court.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here