Mga dapat malaman tungkol sa ASEAN at EAS 2017

Mga dapat malaman tungkol sa ASEAN at EAS

Ipagdiriwang ng Association of South East Asian Nations o ASEAN ang ika-limampung taon nito, kung saan Pilipinas ang magsisilbing host nito at ang pangulo ng bansa, si Pang. Rodrigo Duterte ang kasalukuyang chair nito. Kasunod ng pulong ng ASEAN, idaraos naman ang ika-labindalawang East Asia Summit o EAS.

Sa ilang ulit na nagdaos ng internasyunal na pagpupulong sa Pilipinas, pinapatampok na isa itong karangalan para sa bansa, gaya na lang ‘pag host tayo ng SEA Games o ng Miss Universe.

Hindi maikakailang malaki ang inilalabas na pera ng bansa para sa mga pulong na ito. Subalit, sinasabi ng gobyerno na hindi na dapat isipin ang gastos na kakabit nito dahil kung iisipin ay maituturing itong investment para sa pag-unlad ng bansa. O ‘di kaya’y mula rito ay nakakakuha ng investment (pamumuhunan) ang Pilipinas mula sa mga bisitang dayuhang bansa.

Bukod sa ilang mga sagabal sa pang-araw araw na buhay ng mga residente at nagtatrabaho sa Kamaynilaan, ano ba talaga ang dulot ng isang pagpupulong gaya ng ASEAN at EAS sa ating bansa?

InterServer Web Hosting and VPS

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY