Nakiisa ang mga mag-aaral ng Senior High School sa ikinasang protesta ng mga militanteng grupo sa Politeknikong Unibersedad ng Pilipinas biliang pagkondena sa mga bayaring ipinataw ng administrasyon sa mga mag-aaral na magsisipagtapos. Bukod sa mga bayarin, ipinunto rin ng grupo ang pagpapabagsak sa K+12.

Ayon kay Mark Dave Astrolavio, miyembro ng League of Filipino Students PUP, aabot sa P2,050 ang kailangang bayaran ng Senior High School upang makapagtapos sa kabila ng pagkakaroon ng voucher na aabot sa P22,000.

Narito ang breakdown ng mga gagastusin para sa graduation ng senior high:

APPLICATION FEE  P150

DIPLOMA  P200

FORM 137  P100

CERTIFICATE OF GRADUATION/ GOOD MORAL CHARACTER  P150

GRADUATION FEE  P600

GRADUATION PICTURE  P850

TOTAL  P2,050

Dagdag pa ni Astrolavio, hindi umano napapakinabangan ng mga mag-aaral ang subsidiya na dapat ay napupunta sa kanila at naglalayon lamang ng neoliberal na atake upang mapari ang murang lakas paggawa na siyang ieexport sa abroad.

“Ang mensahe ko lang kay PUP president De Guzman ay buksan niya ang mata niya at i-reaffirm ang mga prinsipyong pinanindigan niya dati”, ani ni Astrolavio.

Ayon sa League of Filipino Students PUP, tungkulin ng mga mag-aaral “hindi lang ang pag-aaral nang mabuti kundi ang paglingkuran ang sambayanan at lumahok sa paglutas ng mga isyung panlipunan”.

Report nina Manuel Gonzaga at Julius Español

.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY