Mga sangkot sa pagpatay sa kabataang Lumad, sinampahan ng kaso sa DOJ

0
503

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga grupo ng kabataan at Lumad sa harap ng Department of Justice noong Nobyembre 24 upang patuloy na singilin ang hustisya para sa pamamaslang sa 19-taong gulang na mag-aaral na Lumad na si Obello Bay-ao.

Nananawagan din sila ng hustisya para sa patuloy na pagpaslang sa mga Lumad sa Mindanao na kilalang lumalaban sa mapanirang mina at pang-aagaw sa lupang ninuno.

Setyembre 5 ng taong ito nang paslangin si Bay-ao sa Davao Del Norte habang papauwi sa kanilang bahay galing sa bukid.

Sinabayan ng protesta ang pagsasampa ng kaso laban kay Ben Salangani ng Citizen Armed Force Geographical Unit at Joven Salangani ng grupong paramilitar na Alamara.

“Hindi kami nagfile ng kaso sa Mindanao dahil wala kaming mapapala. Dito kami sa Maynila, baka makakuha kami ng hustista,” ani Benjo Bay-ao, 52 taong gulang na ama ni Obello.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here