“New year, new me” at iba pang nakagawian sa social media sa 2017

Top 10 Social Media Behaviors na Dapat Iwasan sa 2018

“New year, new me” sabi nga ng mga photo captions bago magtapos ang 2017.  At sa taunang ritwal nating binabago ang mga lumang nakasanayan para maging “better version of ourselves,” ay ang taunang listahan din ng mga gawaing nakikita sa social media na sana ay iwasan o mas mabuti pa’y tigilan na.

Ituon natin ang pansin sa dalawang social media networks—ang Facebook at Instagram. May nailistang 54 milyong Pilipino ang may Facebook account noong June 2017 ayon sa Internet World Stats habang umabot na sa mahigit 8.5 milyong users naman ang Instagram.

Ang isang visit sa Facebook ay inaabot ng mahigit-kumulang 20 minuto kada tao ayon sa Infodocket, at may 293,000 status updates at 136,000 photo uploads sa isang segundo sa buong mundo. Araw-araw ay ninanamnam natin ang lahat ng nababasa, nakikita, at napapanood sa ating feeds at kasama na diyan ang mga sumusunod na gawain:

1. Unli-Stories All-Day, E’rday

instagram-stories-for-pizzerias

Ito ay yung mga ini-Instagram Stories ang kada-kibot. Nagmumog? Stories. Naubusan ng suka? Stories. Nasa kubeta? Stories. Hanggang sa ang feeds na dapat ay _____ _____ _____ lamang ay nag-itsurang …….. na sa Stories feed.

Habang napakaganda ang pagkakaroon ng option na mag-upload ng content na nawawala din matapos ang 24 oras, ay hindi ibig sabihing dapat nang i-share ang bawat galaw. Itanong sa sarili. Bakit ko ina-upload ‘to? Sino ang audience ko? Ano ang objective natin? Hindi ba ako makakagalaw kung hindi ko ‘to nai-share sa ibang tao?

Maganda pa rin ang may misteryo. Matuto tayo kay Beyonce. Choose what you share with the fans to keep them wanting more.

2. “Madami po akong pera talaga.”

money

Nasama na ito sa listahan ng 2017 ngunit mahalaga na isama ulit siya. Delikado ang pag-post ng cheke, alahas, bagong sasakyan at pamaypay na salapi. Kung umasenso ay mabuti yan, pero nakababawas sa ganda ang pagyayabang. Keep it simple. Keep it classy. At higit sa lahat, ika-nga ng iba mga nanay, “Doon tayo sa safety.”

3. Tita this. Tito that. Pero 21 ka pa lang. Stahp.

screen-shot-2018-01-06-at-5-18-34-pm-frozen

Nag-trend sa 2017 ang lifestyle ng pagiging tito/tita. Ang pinaka-ideya nito ay dahil hindi na tayo mga high school at kolehiyala, nagkaroon ng biglang pagbabago sa mga pinipiling social activities at everyday life choices tulad ng pagtulog ng alas-diyes ng gabi ‘pag Biyernes at pagbili ng health insurance dahil nagmamahal ang premiums habang tumatanda.

Nakabuo ng ilang mga malalaking Facebook groups dahil sa konseptong ito at nakatutuwa ang mga content lalo na sa mga lehitimong tito at tita—at ‘pag sinabing lehitimo ay yung mga edad 30 pataas. Ngunit dahil sa kagustuhang sakyan at sumali sa diskusyon ay ginagamit ito ng kahit mga nasa high school pa lang.

Bigyan natin ng nauukol na respeto ang mga tunay na tito at tita na pinagdaanan at nalampasan na ang quarter life crisis at hindi na kailangang patunayan ang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng cropped top at jogger pants.

4. Headlines only, please.

screen-shot-2018-01-06-at-5-26-25-pm

Tamad magbasa ng buong article kaya okay na siya sa context ng headlines. Walang pakialam sa validity ng source o sa detalye ng mga pangyayari. Basta ishe-share ito o di kaya’y ma-ooffend. Satirical news ba? Ma-ooffend pa rin.

Napaka-makapangyarihan ng social media pagdating sa pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon, ngunit mas nagagamit ito kadalasan sa pekeng mga balita upang ma-distract tayo sa mga tunay na nangyayari.

Ang pagbabasa ay magbubunga ng mas makabuluhang diskurso at makababawas sa mga comments na “E di wow” at “Oo na. Hindi porke’t ganito lang kami ay…” Sa bawat comment ay ang pagkakataon na i-angat ang kaalaman at usapan.

5. Pa-vague status

Matagal na rin ang gawaing ito. Lalo na kung papansinin ang mga “On This Day” sa Facebook timeline natin noong taong mga 2007 pataas dahil hindi pa noon uso ang photo uploads. Ngunit 2018 na at mahigit isang dekada na ang lumipas.

Samples:

“Ang sakit.”

“Thank you, Lord!”

“Hindi ko na ata ‘to kaya.”

May mga variations din ito na makikita sa mga hiniram na lyrics ng kanta na ginagamit bilang status post.

Ang behavior na ito ay isang porma ng paghingi ng pansin o paghahanap ng kausap. Napaka-ironic isipin na sa 1,000 mahigit na Friends sa Facebook ay wala tayo minsan makausap. Habang may mga pagkakataon na dapat patulan ang mga ito, lalo na kung out of character ito ng isang tao, ay mayroon ding ginagawa ito nang sobrang dalas. At kapag may nag-comment ng “Okay ka lang ba?” ay hindi mag-rerespond ang nag-post dahil ayaw bigla pag-usapan. Bilang isang audience, mabuti siguro’y gamitin ang rule of thumb na “Fooled me once, shame on you. Fooled me twice, I’ll unfollow you na po.”

6. 3 Days Vacation = 2 months na uunti-untihing i-uupload ang photos

travel-photo-collage-freshblue

Sa mundo ng social media marketing, ang isang magandang content ay may expiration lamang na 2 weeks. Pagkatapos nito ay hindi na ganon kataas ang interes ng tao at lalampasan na lamang ito. Nag-aapply din ito sa mga vacation photos.

Ang window for highest engagement sa inyong post tungkol sa 3-day Bangkok vacation ay ang mga real-time updates at 1 week pagkauwi mo. Matatanggap pa ang pangalawang linggo pagkatapos bumalik. Pag nalampasan na ito ay magkakaroon na ng umay factor at mataas ang posibilidad na pag-isipan kang nagyayabang na lang. Huwag tayong mayabang. Kinakain ng dagat ang mayabang.

7. Hashtag abuse/misuse

Ang hashtag ay ginagamit upang masama ang isang content sa isang usapan. Makapangyarihan din ito at sinesentro ang mga mahahalagang content at opinyon. Ngunit minsan ay mali ang gamit dito.

Ang sentence ay hindi ginagawang hashtag. I-type na lang ang gustong sabihin bilang maayos na pangungusap. Mas madali pang basahin at lalabas parin ang mga key phrases sa search results kung Public ang inyong post.

Wag din magpaulan ng hashtag. Kadalasan ay ginagamit lang ito ng mga brands at kumpanya na parte ng pag-mamarket ng mga produkto. Ang kadalasang gumagamit nito na personal accounts ay yung mga nagpaparami ng Followers para maging “influencer” at para dumami ang Likes. Kung private ang inyong account o di kaya ay hindi mo naman plano maging endorser ay iwasan na lamang ito.

8. May jowa ako/Wala akong jowa. Please note.

screen-shot-2018-01-06-at-5-52-20-pm

Ang usaping ito ay sa degree of extremes.

Para sa mga may jowa:

Ito ay yung mga nakikita sa feeds na kung hindi puro photo na may kasamang essay tungkol sa ka-sweetan ng karelasyon ay ang pagshe-share ng harutan, halikan, at pati post-coital na photos. Kadiri po. Mayroon ding mga pa-post sa Wall na inside joke na nakaka-alienate at pwede namang sa private chat na lang pag-usapan. Paki-tigilan.

Ayon sa isang research mula sa Northwestern University, ang magkarelasyon na madalas mag-post tungkol sa kanilang “perpektong” relasyon ay mas madalas insecure sa lagay ng kanilang pagsasama. Kumbaga ay nagkakaroon ng image crafting upang mapatunayan sa sarili na masaya kayo. Hindi ito totoo para sa lahat ngunit isipin na lang natin na nagtagal ng limang dekada ang mga lolo at lola natin na magkasama na hindi nag-post sa social media. Be like lolo and lola.

Para sa mga walang jowa:

Araw-araw na may status tungkol sa “finding the right one at the right time” at “Here’s Why You Should Date a Scorpio” dahil yun ang zodiac nila. Araw-araw din ang parinig na single at empowered sila at hindi nila kailangan ng kahit na sino—na kung totoo sana’y hindi na nila kailangan ipaalala sa sarili sa bawat pino-post.

Tulad ng pag-oovershare ay hindi rin natin ikinagaganda ang pagiging desperado. Naaamoy at mabaho ito. Walang may gusto sa mabaho.

9. Nag-post ng walong selfie ngunit kulang

you-post-too-many-selfies-me-21934923

Nabanggit na rin ito sa 2017 na listahan ngunit hindi siya nawala. Nag-evolve na rin ang uri ng content na ito dahil may kasama nang disclaimers tulad ng “Minsan lang, pagbigyan na” at “Excuse my face” sa caption.

Ang tanong: Kung may nag-comment na “Ayaw kitang pagbigyan. Please delete this” o kaya “No. Your face is not excused” ay ipo-post mo pa rin ba?

Siyempre, walang makakapigil sa atin! Kaya tigilan na ang disclaimers. Ipaskil ang mukha na wala nang pag-aatubili.

NGUNIT, kung gagawin man ito ay mamili na lang ng isa. Tama na ang collage o sampung versions ng iisang anggulo. At huwag na muna sundan ng ilan pang selfies sa mga susunod na oras at araw. Katanggap-tanggap ang isang selfie bawat tatlong linggo para masurpresa ulit sila sa kagandahan/kagwapuhan mo ‘pag nag-post ulit.

10. Mali 'yung captions mo

Magkadugtong ang item #9 at #10 dahil madalas na nagsasama ang selfie o self-portraits at captions na walang kinalaman sa isa’t isa.

Naka-balandra ang close up ng mukha ngunit ang caption ay “To give anything less than your best is to sacrifice the gift.” Saang banda po? Ano ba talaga ang nais natin sabihin sa mga copy-pasted captions na kasama ng mukha, klebahe, o pwet shots natin?

Sa usaping ito, maganda siguro na solusyunan din natin gamit ang isang kilalang quote. “Honesty is the best policy.”

Pakiramdam mo ba’y maganda ka ngayon at gustong ipakita sa lahat? Gawin mo lang, ngunit gamitan ng honest caption tulad ng “Maganda talaga ako today e. Please like.”

Naka one-piece high cut bikini at pinapaganda nito ang hugis ng katawa’t lalo na ang pwet? Share mo lang at piliin ang caption na “Look at my pwet. Please like.”

Nasa isang exotic ka bang bakasyon at gustong ipaalam sa mga kaibigan? Post mo lang at samahan ng nararapat na caption tulad ng “Nasa Botswana ako. Too bad hindi kayo on-vacay for 2 weeks like me. Please like.” Maaari ding simplehan tulad ng mga old school photo albums ng mga magulang tulad such as “Taken at Mt. Kilamanjaro, 12/27/2017.”

Sa paraang ito, hindi na tayo kailangan mag-Google ng “Quotes about happiness” sa bawat tawag ng laman para mag-upload ng banidosong content. Kung confident tayo na i-share ang photos ng itsura at lifestyle ay dapat equally confident din tayong maging totoo sa captions.

In summary:

Walang tunay na makadidikta sa personal nating paggamit ng social media. Makabagong paraan siya upang mai-document ang mga mahahalagang kwento at kaganapan sa kasaysayan.

Magandang tingnan ngayon pa lamang na historical artifacts ang ating mga Timelines. ‘Pag nahanap ang database ng Facebook at Instagram daantaon mula ngayon, tingin ba natin ay masasabi nilang naging makabuluhan ang kontribusyon ng ating panahon?

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY