On Sadness

 

In this country, sadness cannot be genuine. It could be incense smoke or a crystal bead, or that thing that keeps light from dispersing shadows. My husband died yesterday, relatives come today, grief wrapped around their faces like a shawl with elaborate designs woven into it. His co-workers sing songs about the dawn waiting to explode in the horizon, chains against rotting flesh and mallets daubed in blood as a guy, whose face I’ve seen more than once but whose name surprisingly escapes me, strums his old guitar. Do you think they would stop if you tell them that many ears are cocked towards the direction of their angry voices or that unlike poetry, their lyrics reveal even the sighs imprinted on their bones? No. Like my late husband, they are stubborn. And their songs are not meant to be sung in hushed tones. They know only too well what lies in ambush behind the huge duhat trees: the many words for death that come only at night dancing, switchblade in one hand a list of names in the other. I can almost hear someone choking on words refusing to slip off the tongue, forming a lump instead, a tight knot. I can almost see chrysanthemum petals, falling on the same ground where maggots burst from cracks announcing the fulfilment of their duty. The history of the world, is a history of burials. A woman’s ancient task: to bury the dead. Inside a cave in a distant country, Medusa sprouts a couple or more snakes in her head in celebration, as finely carved stone statues break under the ocean’s pressure making the ocean floor thicker and lonelier. Before, there are two things that kill brave men: the sword and her eyes. The world has changed since.

Condolence, said everyone. I nod. Crooked teeth show through my parted lips, unwashed hair flows down my shoulders in all its frizzy and oily glory. They compliment how beautiful I look despite what happened. A laundry basket full of dirty clothes lifted up my waist. They look at me with pity and amazement. Suddenly my knees feel the grind of years. My dead husband is holding a one-hundred peso bill which, the old lady said, should be removed from his firm grip and placed somewhere for safekeeping, this before he gets buried. It’s not stealing from the dead, she assured me. I look around and see my six children munching on leftover food the neighbour gave us. I can only feel sorry for them. Not sad. In this country, sadness cannot be genuine. At least for people like me, you see I could cry for a moment but after the tears have dried, I still have to count the coins jingling in my pocket and be a mother, staring at the stars as the evening sky melt away is one of the many luxuries I cannot have.

 

Kalungkutan

 

Sa bayang ito, hindi magiging tunay ang kalungkutan. Maari itong maging usok ng insenso, kristal na butil o iyong bagay na pumipigil sa liwanag para hindi nito maitaboy ang mga anino. Kahapon, namatay ang aking asawa, maya-maya lamang ay magdadatingan ang aming mga kamag-anak, sa isip ay nakikita ko na ang pagkabigla ng nakabalot sa kanilang mukha, parang balabal na binurdahan ng magagarbong imahe. Ang mga katrabaho niya ay umaawit ng mga kanta tungkol sa papalapit na pagsabog ng bukang-liwayway sa kalangitan, tanikalang nakapulupot sa nabubulok na laman, at mga martilyong sinawsaw sa dugo, habang ang isang lalaking maka-ilang ulit ko nang nakadaupangpalad, ngunit kataka-takang hindi ko maalala ang pangalan, ay tinitipa ang kanyang gitara. Sa tingin mo ba’y mapipipigil mo ang kanilang mga himig kapag sinabi mong maraming tainga ang nakatuon sa direksiyon ng kanilang mga boses, o hindi tulad ng mga tula, nilalantad ng mga linya ng kanilang mga kanta maging iyong mga buntong-hiningang nakalimbag sa kanilang buto? Tulad ng aking yumaong asawa, matigas ang kanilang ulo. Dagdag pa, ang kanilang kanta ay hindi inuusal sa tiim na tinig. Alam nila kung anong halimaw ang nag-aabang sa likuran ng nagtatayugang puno ng duhat: ang maraming salita para sa kamatayan na dumarating lang tuwing gabi, may tangan na punyal sa isang kamay at listahan ng mga pangalan naman sa isa. Naririnig niyo ba? Sa ‘di kalayuan, mayroong nabubulunan sa mga salitang ayaw dumulas sa dila, sa halip ay naging bara sa lalamunan. Nakikita niyo ba? Ang isa-isang pagpatak ng mga talulot ng chrysanthemum sa parehas na lupa kung saan bumubulwak ang mga uod mula sa mga nagkalat na bitak, pahayag ng katuparan ng kanilang sinumpaang pangako. Ang kasaysayan ay kasaysayan ng mga libing. Ito ang halaga ng babae sa mundo: ang maglibing ng patay at patuloy na mabuhay. Sa isang malayong bayan, nakangiti si Medusa habang umuusbong ang mga ahas sa kanyang ulo. Ang mga estatwang pinong inukit ng kanyang mga titig ay nangadurog sa ilalim ng bigat ng karagatan. Dati dalawa lamang ang paraan ng kamatayan para sa matatapang: espada at ang kanyang mga mata.

Nakikiramay kami, bigkas nila.Tumango ako. Sumisilip ang bulok na ngipin sa siwang ng aking mga labi, ang magaspang at malagkit kong buhok ay umaagos pababa ng aking mga balikat. Pinuri nila ang aking ganda, sa kabila ng nangyari. Isang basket na puno ng maruruming damit ang nakakawit sa aking beywang. Tinitingnan nila ako nang may magkahalong awa at pagkamangha. Sa kamay ng patay kong asawa, nakaipit ang isang-daang pisong papel. Bago siya ilibing, sabi ng matandang babae, dapat ko raw itong hugutin at itago sa kung saan, pampasuwerte. Hindi raw ito pagnanakaw sa patay. Suwerte, ito marahil ang kailangan ko. Ginala ko ang aking mga mata at nadaanan nito ang anim kong anak na nagpi-pista sa pagkaing ibinigay ng kapitbahay. Nakaramdam ako ng awa. Hindi lungkot. Sa bayang ito, hindi magiging tunay ang kalungkutan. Lalo na sa mga katulad ko, maari akong umiyak, subalit kapag natuyo na ang luha sa mugto kong mga mata, kailangan ko namang umpisahan ang pagbibilang ng baryang nagkakalansingan sa aking bulsa, ang pagpapatagal ng lumbay sa pamamagitan ng pagtitig sa mga tala habang unti-unting natutunaw ang gabi ay isa sa mga luhong hindi ko kayang bilhin.

 

image001 Led Villafuerte is a staff at the Center for Creative Writing – PUP. He is 22 years old.

Illustration by Ara Villena

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here