Nasa isang milyon ang guro sa buong Pilipinas, o maaaring lampas pa, sa lahat ng antas at kapwa sa pampubliko at pribadong paaralan. Hindi pa kasama sa bilang na iyan ang ating mga ina o ang ating mga magulang, na kadalasa’y nagsisilbi bilang unang mga guro ng bawat bata. Hindi pa kasama riyan ang mga kamag-anak, kaibigan, kakilala o iba pang iniidolo na kinapulutan natin ng mga hindi malilimutang aral sa buhay.

Hindi man natin sila mapagpugayan lahat, sa pamamagitan ng ilang pagbabahagi ng mga mag-aaral na nakahugot ng leksiyon, kakayahan, karanasan, inspirasyon, ambisyon at paninindigan mula sa kanilang mga guro ay maaaring magsilbing tanglaw sa kung gaano kalaki ang ginagampanang papel ng mga guro sa mga bata at kabataan, kung gaano kahalagang tungkulin ang ginagampanan nila para sa kinabukasan ng bayan.

At sa ganitong papel nila sa buhay ng mga tao at sa hinaharap ng lipunan, hindi natin maitutumbas paano nasusuklian ang mga paghihirap ng mga guro. Totoo na karamihan sa mga guro sa ating bansa ay salat sa suweldo at benepisyo, salat sa maayos na lugar ng pinagtatrabahuhan na siya ring mga paaralan ng milyon-milyong kabataan. Sadyang mahirap naman talagang matumbasan ng anumang halaga ang isang trabahong hinihingi na ibigay ang sarili—kadalasan, buong-buo. Kaya sa panimula, inaalay namin ang aming pagpupugay at pasasalamat.

Basahin ang mga lathalain ng iba’t ibang mag-aaral hinggil sa kanilang paborito o ‘di malilimutang guro:

[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_spacer height=”100″]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here