IN PHOTOS: Traslacion ng Nazareno 2018

Daang-libong deboto ng Poong Itim na Nazareno ang sumama sa taunang Traslacion. Ang prusisyon tuwing Enero 9 na ‘traslacion’ (transfer) ay pagsasadula ng paglilipat ng imahe (kasalukuya’y isang replica) mula sa dambana sa loob ng Intramuros tungo sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Manila. Inilipat ang imahe noong taong 1787.

Pinamimitaganan ng mga deboto ang imahe sa Quiapo tuwing araw ng Biyernes, kung kaya’t nababansagan na rin ang Biyernes bilang “Araw ng Quiapo” o “Quiapo Day.” Ang prusisyon tuwing Enero ay demostrasyon ng pagkarelihiyoso ng mga Pilipino na namanang gawi at kaisipan mula pa sa 300-taong pananakop ng mga Kastila sa bansa.

InterServer Web Hosting and VPS

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY