Senyal

Ligalig rin ang payapang tubig,

tulad ng mga luhang dumidilig

sa kaluluwa nilang mga nilupig,

at matang minsan ring umibig.

May lamlam yaring dilim ng gabi

na tila bumubulong at nagsasabi

na sa panahong ito ng pang-aapi

ay huwag itikom ang mata at labi.

photo-28

Tahimik ang hiyaw ng pandarahas,

ngunit hindi ang pagbabalikwas

nilang mga inagawan ng bukas

at ng pusong di kailanman lilipas.

Mahaba pa ang pagkaligalig,

ang paglamlam ng pag-ibig

at katahimikan ng mga tinig.

Ngunit kailanma’y di magpapagapi,

dakilang pag-ibig na nagpupunyagi

at nagpapalaya sa sarili at sa uri.

photo-2

Mga kuha ni KJ Dumapit

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY